labels

Thursday, October 1, 2009

Bagyong Ondoy

       Nagdulot ng  napakalakas na ulan at matinding pag baha sa kalakhang Maynila at sa karatig probinsya ang bagyong Ondoy noong ika-26 ng Setyembre, 2009.  Sa loob ng siyam na oras, nagbaha sa iba't ibang lugar at nagbunga ito ng pagkasawi ng 288 katao at pagkawala ng tahanan ng maraming Pilipino. Pagkatapos manalasa sa Pilipinas, dumaan ito sa Biyetnam, Kambodiya at Laos at nagdala ito ng malaking pinsala sa mga bansang yaon.  Isa ito sa pinaka malakas na bagyong dumaan sa Pilipinas....isa rin itong malungkot na pangyayari sa aking mga kababayan na nawalan ng tahanan, mahal sa buhay, ng mga ari arian higit lalo higit sa mga maralita.
       Nasaksihan ko ang paglaki ng ilog na malapit sa aming tahanan, mistula itong karagatan at may napalakas na alon na labis na nagngangalit.  Kung titingnan mo ito sa mga araw na nakalipas makikita mo itong payapa at walang ano mang badya ng sakuna subalit sa araw na iyon na aking nasaksihan ang paglaki ng tubig sa ilog ay nanginig ang buo kung katawan at mistulang lahat ng nakakita ay tulala walang masabi kundi "Dios ko sana tumugil na ang pag ulan".  At pag lipas ng matinding pag-ulan at pagbaha masasaksihan mo ang mga tao, mayaman man o mahirap pantay pantay putikan nag lalakad sa kalsada palabas ng kanilang mga tahanan upang maghahanap ng pagkain maari nilang mabili, maibsan lamang ang kanilang gutom.  Tunay nga na walang magagawa ang tao pag ang kalikasan na ang nagngalit.  Sana huwag ng maulit ang ganitong pag-ulan at pagbaha, subalit tanging sa Dios lamang tayo maaring umasa.
   

No comments:

Post a Comment